Wikang Filipino, Wikang Pa(pa)tay: Tokhang, Pagpatay, at Ang Kasalukuyang Danas ng Wikang Filipino

Wikang Filipino, Wikang Pa(pa)tay: Tokhang, Murder, and the Contemporary Experience of the Filipino Language (English)

Maria Nikka P Policarpio: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman

DOI: https://dx.doi.org/10.13185/KA2020.00507
Published Date: Jul 20, 2020 | Accepted Date: May 20, 2020 | Submitted Date: Jan 20, 2020

Abstract

Nang magwagi ang “tokhang” bilang Salita ng Taon sa ginanap na Sawikaan 2018 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) katuwang ang Filipinas Institute of Translation (FIT), nagkaroon ng muling pagtingin sa kapangyarihan ng wika na magbago at magpabago. Ilang araw matapos ito, ginulantang naman ng Korte Suprema hindi lamang ang mga iskolar kung hindi ang buong akademya, lalo na ang mga nag-aaral ng Filipino at Panitikan, sa desisyon nitong tanggalin ang dalawang nabanggit na mga asignatura sa kolehiyo at panatilihin ito, nang walang kasiguraduhan, sa loob ng kurikulum ng K-12. Tila cha-cha ang dalawang eksena sa usapin ng sitwasyong pangwika (na hindi na rin naman bago): urong-sulong, sumasabay sa musikang pinapatugtog ng kung sino mang nakaupo. Ang epekto? Pabago-bago at marupok na sandigan ng isang bayan na unti-unti ay tinotokhang. Sa maikli ngunit magulong kasaysayan ng ating wikang pambansa, napakarami na nitong dinanas na pagbabago hindi lamang mula sa mga gumagamit nito, ngunit pati na rin sa mga sang-ayon at salungat rito. Ayon nga sa nagpanukala ng “tokhang” bilang Salita ng Taon na si Mark Angeles, ang mga nagwawaging salita ng taon ay marka ng isang kasalukuyan, at repleksiyon ng isang magiging bahagi ng kasaysayan sa nalalapit na hinaharap. Ang ating araw-araw na paggamit ng wika ng isang panahon, partikular ng isang salita, ay pagpapalawig ng isang ideolohiya nang hindi natin tunay na namamalayan kung hindi tunay na papansinin. Sa papel na ito, ilalarawan ang pagbabagong dulot ng pagpapalaganap ng isang salitang nakakawing sa krimen at pagpapatay, at kung paanong tumitining dito ang kasalukuyang tindig ng wikang Filipino.

Keywords

tokhang, krimen, Bato Dela Rosa, amalgamasyon, wikang Filipino, pambansang wika, pagbabago, pagpatay, krimen




Title (English)

Wikang Filipino, Wikang Pa(pa)tay: Tokhang, Murder, and the Contemporary Experience of the Filipino Language

Abstract (English)

When “tokhang” won as the Word of the Year in the Sawikaan 2018 held by the Commission on the Filipino Language and the Filipinas Institute of Translation (FIT), the power of language to change and be changed is seen once again. Few days after this, the Supreme Court surprised not only few scholars but the entire academe, especially those studying Filipino and Literature, in its decision to remove the two aformentioned fields as subjects in college and retain it instead, without much certainty, in the K-12 curriculim. These two scenes moved as if in cha-cha in discussions of the national lingual situation (which are not entirely new anyway): to and fro, moving along the music played by whoever is seated in power. The effect? The ever-changing and weak foundation of a nation that is slowly subjected as well to tokhang. In the short yet complicated history of our national language, it has experienced a lot of changes, not only for its users but as well as to those that are in favor and in disagreement of it. According to Mark Angeles, the proponent of “tokhang” as the Word of the Year, the winning words over the years mark a present, and reflect what would be a part of history in the near future. Our everyday use of language at a time, particularly of a word, is an extension of an ideology that we do not directly observe or attend. In this paper, the changes caused by the dissemination of a word related to crime and killing are described, and how the present stance on the Filipino language settles here.

Keywords (English)

tokhang, crime, Bato Dela Rosa, amalgamation, Filipino, national language, change, killing, crime

Please login first to access subscription form of article

Read Full text in PDF

Browse By