Published Date: Jul 20, 2020 | Accepted Date: Mar 4, 2020 | Submitted Date: Dec 2, 2019
Abstract
Kapalit ng isang akademikong papel, nandito ang anyo ng talumpati upang magsilbing lunsaran ng kritikang panlipunan. Iginigiit ng may-akda ang patuloy na halaga at bigat ng kamalayang panlipunan bilang pundasyon ng pagkatha ng sining at panitikan. Binabalikan dito ang tagisan ng mga paniniwala sa sining para sa Sining, at sining para sa pagbabagong panlipunan upang tasahin ang mga kontemporanyong katha ng mga imaheng estatiko (pintang matalinghaga, komiks, eskultura, effigy) o gumagalaw (sayaw, pelikula), ng tunog (musika), o ng salita (panitikan, titik ng awit), o ng pagsasama-sama ng mga ito (teatro). Nililinaw ng may-akda ang kahulugan at nagbibigay ng mga halimbawa ng pagkatha para sa pagbabagong panlipunan sa konteksto ng globalisadong lipunan ngayon.
In lieu of an academic paper, the speech is utilized as a form from which social critique can begin. The author asserts the continuing significance and relevance of social consciousness as foundation in creating art and literature. It returns to the debate between art for Art’s sake and art for social change, as to evaluate contemporary works in images that are static (metaphoric painting, comics, sculpture, effigy) and moving (dance, film), sound (music), words (literature, song lyrics), and their combination (theater). The author elucidates the meaning and gives examples of creation for social chance in the context of globalized society in the present.