Mga Pilipino sa Párang: Kalabaw Bilang Pambansang Sagisag ng Paggawa

Filipinos in Meadow: Carabao as a National Symbol of Labor (English)

Airalyn Gara

DOI: https://dx.doi.org/10.13185/KATIP2021.00705
Published Date: Jul 31, 2021 | Accepted Date: Jul 15, 2021 | Submitted Date: Jun 9, 2021

Abstract

Sa sinaunang komunidad, tinitingnan ang kalabaw bilang isang mahalagang salik sa matagumpay na pagsasaka. Itinuturing itong imahen ng kasaganaan hindi lamang dahil sa taglay nitong laki at kalusugan ngunit dahil sa kasipagan nito sa paggawa. Ito ang hayop na maaasahan sa bukid at katuwang ng magsasaka sa paglinang ng kaniyang lupain. Gayunpaman, sa pagdating ng mga mananakop na Español, nagbago ang ganitong pagtingin dahil itinuro sa mga sinaunang Pilipino na ang kalabaw ay isang mangmang at sunod-sunurang hayop lamang sa bukid na pagbubungkal lamang ang nalalaman. Ginagamit na larawan din ang atrasadong kalabaw sa akdang Si Tandang Basio Macunat upang ihalintulad sa mga indio na hindi dapat magkamit ng edukasyon. Ipinakikita ng papel na ito na sinikap baguhin ng mga manunulat at dibuhista ang kolonyal na pagtinging ito sa mga kalabaw gamit din ang mga akdang pampanitikan. Mula sa ipinakilalang pasibong kalabaw ng mga Español, binuhay ng mga makasining ang mga kalabaw na nagagalit, gumaganti, at naghihimagsik. Gayundin, inilalarawan dito ang parehong kalagayan sa paggawa ng mga kalabaw at magsasaka, at kung paanong sinasalamin ng imahen ng kalabaw ang kalagayan ng mga magsasaka sa agrikultural na pamumuhay. Dahil dito, nagkakaroon ng dalawang magkaibang pagturing sa kalabaw bilang pambansang hayop ng Pilipinas. Sa huli, maglalantad ang papel ng mga punto kung paano sinisimbolo ng kalabaw ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa industriya ng agrikultura at dualistikong pagtingin sa agrikultural na pamumuhay ng bansa.

Keywords

kalabaw, pambansang sagisag, paggawa, magsasaka, agrikultura, piyudalismo, dualistikong pagtingin




Title (English)

Filipinos in Meadow: Carabao as a National Symbol of Labor

Abstract (English)

In ancient communities, the carabao was viewed as an important factor in successful farming. It was considered an image of prosperity not only because of its size and health but also because of its diligence in labor. This is the animal that can be relied on in the farm as the farmer’s helper in cultivating his land. However, with the arrival of the Spanish conquerors, this view has changed because ancient Filipinos were taught that the carabao was a foolish and submissive animal that only knew how to plow the field. The image of the backward carabao was therefore seen in the text Si Tandang Basio Macunat only to compare the animal to indios who should not have access to education. This paper shows that writers and artists tried to change this colonial view of carabaos with the use of literary works. From the introduced passive carabao by the Spaniards, artists revived carabaos that were angry, retaliatory, and rebellious. Likewise, this paper describes the sameness of the situation of carabaos and farmers in the production line, and how the image of the carabao mirrors the farmers’ situation in agricultural livelihood. As a result, there exist two different views of the carabao as the national animal of the Philippines. Ultimately, this paper will expose points on how the carabao symbolizes the identity of Filipinos in the agriculture industry and a dualistic view of the country’s agricultural way of life.

Keywords (English)

carabao, national symbol, labor, farmers, agriculture, feudalism, dualistic view

Please login first to access subscription form of article

Read Full text in PDF

Browse By