Ang Liminalidad, Bisa at Aliw sa Pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina

Liminality, Efficacy and Entertainment in the Performance of Easter Salubong By An Aglipayan Congregation in Paliparan, Santo Niño, Marikina City (English)

Ariel Acuña Diccion

DOI: https://dx.doi.org/10.13185/KATIP2021.00707
Published Date: Jul 31, 2021 | Accepted Date: Jul 15, 2021 | Submitted Date: Jan 5, 2021

Abstract

Sa mga pag-aaral ukol sa Simbahang Aglipay o Iglesia Filipina Independiente, karaniwang tinatalakay ang rebolusyonaryo nitong pinagmulan at separatista nitong simulain. Salat ang mga pag-aaral ukol sa mga tiyak na Aglipayanong kongregasyon sa kapuluan, partikular sa patuloy nilang pag-iral sa kontemporanyong panahon sa kanilang mga tiyak na konteksto. Sa talakayang ito, sinuri ang pagdaraos ng prusisyon ng Salubong ng Aglipayanong kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina bilang isang pagtatanghal ng dalawang naratibo. Ang una bilang paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na siyang rurok ng pananampalatayang Kristiyano; at ikalawa bilang muling pag-uulit at pag-aangkin ng mga Aglipayanong mananampalataya ng kanilang mga gawi matapos lisanin ang dating lunan ng pagsamba. Sa pagsipat sa mga aspekto ng Bigkis ng Bisa at Aliw mula kay Richard Schechner, hinimay sa pag-aaral na ito ang mga ritwalistiko at teatrikal na katangian ng nasabing pagtatanghal bilang isang proseso–mula sa paghahanda, tungo sa pagganap, at hanggang sa pagwawakas ng Salubong sa Paliparan. Tatlong lunan ng pagtatanghal ang sinuri bilang mga espasyo ng liminalidad sa proseso ng pagtatanghal ng Salubong: ang karo, ang Galilea, at ang ruta ng Salubong. Sa pagkilala sa liminalidad, bisa at aliw sa pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, lumitaw ang dinamismo ng hiwalay ngunit mahigpit na tirintas ng dalawang naratibong ginugunita, nililikha at pinaninibago ng nasabing komunidad ng mga mananampalataya.

Keywords

pagtatanghal, Salubong, Aglipayano, liminalidad, bisa at aliw, ritwal




Title (English)

Liminality, Efficacy and Entertainment in the Performance of Easter Salubong By An Aglipayan Congregation in Paliparan, Santo Niño, Marikina City

Abstract (English)

Studies on the Aglipayan Church or Philippine Independent Church have commonly focused on its revolutionary origins and separatist ideology. Very few studies have been made on specific Aglipayan congregations in the archipelago, particularly on their continued existence in contemporary times and in current contexts. This paper discusses the Easter Salubong procession by an Aglipayan Congregation in Paliparan, Santo Niño, Marikina City as a performance of two narratives. One as a commemoration of Jesus Christ’s resurrection as the culmination of Christian faith; and another as a repetition and restoration of previous behavior by an Aglipayan Congregation after its members fled from their old place of worship. Employing Richard Schechner’s Efficacy-Entertainment Braid, this discussion identified the ritualistic and theatrical elements of the Easter Salubong performance as a process–from its preparation, to its actual performance, until its cessation. Three performance spaces were defined as sites of liminality in the performance process: the caroza, Galilea, and the Salubong procession route. Through the recognition of the liminal, the efficacious and the entertaining in the performance process of the Easter Salubong, what surfaced was the dynamism of the separate yet inseparable strands of the two narratives being commemorated, created, and renewed by the community of Paliparan Aglipayan faithful.

Keywords (English)

performance, Salubong, Aglipayan, liminality, efficacy-entertainment, ritual

Please login first to access subscription form of article

Read Full text in PDF

Browse By