Gamit ang konsepto ng pharmakon bilang lente, ang sanaysay ay naglalatag ng pagbasa sa “La curacion de los hechizados” ni Jose Rizal at sa mga larawang guhit na katambal ng nasabing artikulo. Iniaalok ang ganitong pagbasa sa lunas na ipinapayo ni Rizal upang mapagkawing ang pagsasangang-diwa ng nasabing lunas bilang lason, sulatin, at sakripisyo. Sa ganitong pagkakawing, nilalayon ng sanaysay na maitampok ang aswang at “pangangaswang” ni Rizal sa kaniyang mahiwagang paksa, at sa ganito’y makapaglatag ng isang diskursong kumikilala sa fokloré bilang bahagi ng madulas at mailap na identipikasyon ng mga Filipino, na pinangangasiwaan subalit sinusupil din sa isang banda, ng medisina, simbahan, at kolonyal na pamahalaan.
Through the concept of the pharmakon as a lens, this essay offers a reading on Jose Rizal's “La curacion de los hechizados” and the illustrations accompanying the said article. This reading is offered to the cure advised by Rizal as to constellate the dissemination of such cure as poison, writing, and sacrifice. In doing such constellation, the essay aims to foreground the aswang and Rizal's “pangangaswang” on his mysterious subject, and this way, opens a discourse that recognizes the folkloré as a part of the slippery and elusive identification of the Filipinos, who were governed and also suppressed by medicine, the church, and the colonial rule.