Noong 1923, itinatag ng mag-asawang Palestino-Lebanese na sina Emily Panayotti-
Bichara at Victor Bichara ang isang sinehan sa Naga: ang Cine Bichara. Mula noon, ang
pangalang “Bichara” ay naging kasingkahulugan na para sa sinehan. Sila ang matagumpay
na nakapagtatag ng industriya ng panonood ng pelikula sa pagtatayo ng mahigit
tatlumpu’t tatlong sinehan sa iba’t ibang munisipalidad sa rehiyon. Ang mga sinehang
ito ay dumaan na sa napakaraming bagay kasabay ng pagbabago-bago ng rehiyon—isang
digmaang pandaigdig, ang paglawak ng mga komunidad, urbanisasyon, mga likas na
kalamidad, isang diktadurang pang-estado, mga paghihimagsik, ang pag-usbong ng mga
teknolohiyang digital, at ang pagdating ng mga higit na higanteng establisimyentong
komersiyal. Gayunpaman, may kasalatan pa rin sa dokumentasyon na kritikal na
tumatalakay sa mahalagang ambag ng mga Bichara sa Bikol. Tinatangka ngayon ng papel
na ito na balangkasin ang kasaysayan ng mga Bichara bilang institusyong pampelikula
na pinagmamay-arian ng mga dayuhan. Titingnan nito ang mga pagsisimula ng nasabing
pamilya, ang tahasan o di-tahasang epekto ng kanilang etnisidad sa pagtatatag ng kanilang
mga sinehan, ang naging paraan nila ng pagharap sa mga hamong dala ng digmaang
pandaigdig, at ang naging pagpapalawig ng kanilang negosyo sa iba pang bahagi ng
rehiyon.
mga sinehang Bichara,
migrasyon mula Gitnang Silangan,
kultura ng panonood ng pelikula,
sineng Bikol
From the Middle East to Bikol Land: The Bicharas and Their Moviehouses
In 1923, a Palestinian-Lebanese couple, Emily Panayotti-Bichara and Victor Bichara, set up a movie theater in Naga called Cine Bichara. From then on, the name “Bichara” became synonymous with movie theaters. They were the ones who successfully established the moviegoing industry by establishing more than thirty-three movie houses in various municipalities in the region. These theaters have gone through many things along with the transformations of the region—a world war, expansion of communities, urbanization, natural calamities, a state dictatorship, insurgencies, emergence of digital technologies, and the arrival of bigger commercial establishments. However, there is a lack of documentation critically discussing the significant contributions of the Bicharas in Bikol. This paper aims to trace the history of Bichara as a cinema institution owned by foreigners. It will look into the beginnings of the family, how their ethnicity directly or indirectly affected the establishment of their cinema, how they coped with the challenges posed by the world war, and how they expanded their business into other parts of the region.
Bichara Theaters,
Middle Eastern migration,
moviegoing culture,
Bikol cinema