Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan ng Nagpapatuloy na Kasaysayan sa Global na Lipunan: Pagturing sa Eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago

Memory as a Global Consciousness of Continuing History in Global Society: Considering the Exhibition Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago (English)

Gian Carlo Delgado: University of the Philippines - Diliman

DOI: https://dx.doi.org/
Published Date: Dec 30, 2022 | Accepted Date: Dec 12, 2022 | Submitted Date: Oct 17, 2022

Abstract

Layon ng papel na ito na suriin ang mga sining na naglalahad ng mga konsepto ng gunita sa eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago ng UP Artists’ Circle Fraternity, na ginanap sa Anima Art Space. Ang mga konseptong ito ng gunita ay itinuturing na kaakibat ng pagsasapantaha ng pagbabago na ipinaparating sa paglikha ng isang imagined world. Ang imagined world ay kinikilala bilang isang pandaigdigang kamalayan na nakaugnay sa Social Realism, na isang masining na paraan ng pagpapahayag ng paghihimagsik. Tinuturol ng pagturing na ito sa eksibisyon ang konsepto ng gunita bilang aspekto ng buhay at impluwensiya ng mga materyal na bagay sa loob ng isang global na lipunan, sa relasyon ng kapatirang bumubuo ng eksibisyon at espasyong kinalalagyan nito, at sa gawi ng mga manlilikha bilang mga artista ng bayan. Ang mga artista ng bayan dito ay kinikilala bilang mga karakter sa mga lipunang may patuloy na kasaysayan ng malikhaing pakikibaka. Ito ay pagkilala sa manlilikha bilang isang mamamayang may gampanin sa kaniyang lipunan na gamitin ang sining bilang armas para sa progresibong pagbabagong panlipunan. Nais tingnan ng papel ang partikular na kondisyon ng Global South bilang pandaigdigang komunidad na sinasalamin ng mga likhang sining, na siya ring danas ng partikular na mga uri ng mamamayan. Ang kamalayan ng mga manlilikha na bahagi ng eksibisyong Gintong Liwayway sa mga uring panlipunan ay iniuugnay sa kondisyon at katangian ng ilang mga bansang kabilang sa Global South. Ang pagturing sa eksibisyon ay pagsuri rin sa likhang sining bilang mga produktong ang hatid ay isang pandaigdigang kamalayang nauukol sa diwa ng kapatiran, espasyong kinalalagyan, at pagiging mga artista ng bayan, na silang bahagi ng ideolohiya at pagkilos para sa pagbabagong panlipunan.

Keywords

artista ng bayan, Social Realism, Global South, pagpapalagay ng pagbabago, gunita




Title (English)

Memory as a Global Consciousness of Continuing History in Global Society: Considering the Exhibition Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago

Abstract (English)

This paper aims to analyze the concepts of memory expressed by the artworks included in the exhibition Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago, held at Anima Art Space. Such concepts of memory are associated with imagining change that is conveyed through the creation of an imagined world. An imagined world is recognized as a global consciousness linked with Social Realism, which is a movement concerned with artistic expressions of being rebellious. The exhibition delineates concepts of memory as an aspect of life and as influenced by material objects within a global society, through the works and practices of the artists as artists of the people. This notion of being artists of the people also refer to their roles in societies that have continuous histories of struggle even in the creative domain. This is likewise a recognition of artists as citizens who have active parts to fill in society, utilizing their art as a weapon for progressive social change. This paper seeks to look into specific social conditions of the Global South as a global community, through the experiences of particular social classes reflected in various artworks. The awareness of the artists who are part of the exhibit Gintong Liwayway on social classes is linked with the conditions and characteristics of some countries belonging to the Global South. To consider the exhibit therefore is to examine as well the artworks as products engendering a global consciousness, evoking themes of fraternity, emplacement, and becoming artists for the people, which all in all contributes to the ideology and movement for social change.

Keywords (English)

artists of the people, Social Realism, Global South, imagined world, memory

Please login first to access subscription form of article

Read Full text in PDF

Browse By