Login
Register
Mga Alituntunin para sa May-akda
- Ipasa ang papel nang sumusunod sa gabay sa estilo ng MLA (Modern Languages Association), sa paggamit ng nakapanaklong na sanggunian at talasanggunian.
- Ipasa ang sumusunod kasama ng papel:
- abstrak ng papel, sa Filipino at Ingles, na hindi lalampas ng 300 na salita.
- salin ng pamagat ng papel sa wikang Ingles o Filipino.
- lima hanggang pitong susing salita, sa Filipino at Ingles
- maikling tala tungkol sa may-akda na hindi lalampas ng 150 na salita.
Mga Kahingian sa Pagpapasa
Bilang bahagi ng proseso ng pagpapasa, kinakailangang tingnan ng mga may-akda ang pagsunod ng kanilang mga artikulo sa lahat ng mga sumusunod na kahingian. Ang mga ipapapasang hindi makasusunod sa mga ito ay maaaring maibalik sa mga may-akda.
- Kinakailangang hindi pa naililimbag ang papel, o hindi pa naipapasa upang mailimbag sa ibang lathalain. Sakaling nailimbag o naipasa na sa ibang lathalain, mangyaring magpadala ng email sa Katipunan.
-
Gamitin ang pormat ng dokumento ng OpenOffice, Microsoft Word, RTF, O WordPerfect sa pagpasa ng papel.
-
Kung mayroon man, ibigay ang URL na katatagpuan ng mga ginamit na sanggunian.
-
Gawing hindi laktawan ang pormat ng papel, nang gumagamit ng titik na labindalawang punto ang laki, ng italiko at hindi salungguhit (maliban sa mga kinatatagpuang URL); at nang inilalagay ang mga larawan, guhit, at talaan sa loob mismo ng akda sa kung saan man silang bahagi ginamit, at hindi sa dulo ng papel.
-
Sundin ang gabay sa estilo at paggamit ng sanggunian ng MLA (Modern Languages Association).
-
Kung nagpapasa sa isang dyornal na dumadaan sa pagkilatis ng mga kapwa dalubhasa, tiyaking hindi lalabas ang pangalan ng may-akda sa anumang bahagi ng artikulo. Sakaling babanggitin ito bilang pagsangguni sa iba pang naunang pag-aaral, tiyaking gamitin ang ikatlong panauhan bilang pagtukoy sa sarili.